Walang ano mang magiging epekto ang bagyong Francisco sa antas ng tubig ng Magat Dam.
Ayon kay Engr. Edwin Viernes, Hepe ng Flood Forecasting and Instrumentation Section ng Dam and Reservoir Division ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), bagama’t may mga inaasahang kalat-kalat na pag-uulan sa kanilang 15-day forecast, hindi ito makakaapekto nang malaki sa water elevation ng dam.
Sa katunayan, hanggang sa July 15, kung walang maipatutupad na pagbabawas sa irrigation delivery requirement o sa patubig, aabutin ng critical low level ang tubig ng dam.
Nitong nagdaang mga araw na aniya, ay pababa nang pababa ang antas ng tubig dahil na rin sa nagpapatuloy na nilang pagpapatubig para sa wet cropping season na nagsimula pa noong May 15.
Maliban sa patubig, bukas din ang gate para sa power generation.
Muli namang nagpaalala ang NIA-MARIIS sa publiko na maging maingat sa pag-post at pag-share at iwasan ang mga pekeng imahe, larawan, o impormasyong may kaygnayan sa operasyon ng Magat Dam.
