Walang anomang pondo ng bayan ang ginastos sa nag-trending na visual presentation ng House Prosecution panel.
Ito ang nilinaw ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua kaugnay ng cinematic AVP na nagtatampok sa 11-member prosecution team na umiikot ngayon sa iba’t ibang social media platforms.
Ayon kay Chua, libre at boluntaryong gawa ito ng mga pribadong indibidwal na nag-ambag para mapalawak ang public awareness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, hindi nila mapipigilan ang mga pribadong indibidwal na mag-ambag at tumulong sa impeachment process sa kanilang saraling paraan.