Photo Courtesy of Kaway’an EcoPark
Kinilala ng TIME ang Kaway’an EcoPark bilang isa sa World’s Greatest Places of 2026. Ang eco-park, na matatagpuan sa General Trias City, Cavite, ang tanging kinatawan ng Pilipinas sa listahan ngayong taon.
Ayon sa TIME, dinarayo ng mga bisita ang Kaway’an EcoPark mula Maynila sa humigit-kumulang 90 minutong biyahe upang maranasan ang iba’t ibang outdoor activities.
Maaaring mamasyal sa mga permaculture garden, magpiknik sa malalawak na damuhan, magbangka, mag-horseback riding, mag-birdwatching, sumali sa yoga classes, at matuto tungkol sa bamboo farming sa pamamagitan ng iba’t ibang workshop nito.
Tampok din sa eco-park ang kahanga-hangang bamboo structures nito, kabilang ang Grand Pavilion at Marajuyo Bridge, na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga naghahanap ng nature escape malapit sa Metro Manila.