Hindi muna nakasama sa graduation ngayong araw ang 12 sa 200 bagong CAFGU Active Auxiliary.
Ito ay matapos lumutang ang umano’y ng pananakit ng isang training instructor sa loob ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal noong June 22.
Ayon kay Col. Michael Aquino, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division, bahagi ng protocol ang pansamantalang pagpapaliban sa graduation ng mga sangkot na trainees habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Habang inihiwalay na rin sa iba ang akusadong instructor.
Isasailalim naman ang mga trainees sa psychological at physical evaluation bilang bahagi ng imbestigasyon.
Kapag napatunayang may naganap na pagmamaltrato, maaaring maharap sa kaukulang parusa ang instructor, kabilang ang demotion o discharge from service.