Personal na tinanggap ng mga governor mula sa ibat ibang probinsya sa Panay ang mga bagong Patient Transport Vehicle na ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ngayong araw.
Ginanap ang turnover ceremony sa Casa Real De Iloilo kung saan pinagunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang distribusyon ng walong bagong ambulansya kasama ang mga benepisyaryong lalawigan.
Pinasalamatan naman ng mga governor ang natanggap na PTV na malaking tulong upang mapaunlad ang medical transport services.
Kabilang sa dumalo sa seremonya sina Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. Antique Gov Paolo Javier ,Guimaras Gov.Lucille Nava,Capiz Gov.Fredenil Castro at Executive Assistant Kay Treñas na kumatawan Kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas.