Photo curtesy of NFA Albay Branch
Lumagpas sa itinakdang procurement target ang National Food Authority (NFA) Albay Branch matapos makabili ng kabuuang 8,201 sako ng palay, katumbas ng 101.24% ng target na 8,100 sako para sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa NFA Albay Branch, mula June 15 hanggang 21 lamang ay nakapagtala na ito ng karagdagang 320 sako ng palay na nabili sa pamamagitan ng iba’t ibang buying stations at bodega ng sangay.
Sa parehong panahon, matagumpay ring napaglingkuran ng ahensya ang 125 indibidwal na magsasaka, gayundin ang mga kooperatiba at samahan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng Albay at Catanduanes.
Ipinahayag ng NFA Albay Branch, na ang paglagpas sa target ay patunay ng patuloy na pagtitiwala ng mga magsasaka sa kanilang programa at ng dedikadong serbisyo ng mga kawani ng ahensya sa pagbili ng palay mula sa mga lokal na prodyuser.