Kailangang magsimula sa tahanan ang pag-protekta sa mga bata.
Ito ang binigyang-diin ni Council for the Welfare of Children Executive Director Angelo Tapales sa gitna ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga kabataang suspect.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na kailangang panatilihin ng mga magulang ang human connection sa mga bata.
Kausapin ang mga ito, yakapin, at siguruhing nananatiling bukas ang komunikasyon sa mga ito.
Aniya, bagamat tumutulong kasi ang mga komunidad, paaralan, at maging ang gobyerno sa pag-protekta ng mga bata, ang mga magulang at ang tahanan pa rin ang nagsisilbing unang depensa at pangunahing factor na humuhubog sa pagkatao o karakter ng isang indibidwal.
Kailangan aniyang magtulong -tulong ang lahat upang maisakatuparan ito, na dapat ay magsimula sa mga tahanan.
Sa ilalim kasi aniya ng Bagong Pilipinas, bawat bata ay mahalaga. | ulat ni Racquel Bayan