Nakatakdang repasuhin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga umiiral na polisiya kaugnay ng presensya at pagbabantay ng mga pulis sa mga paaralan.
Kasunod ito ng insidente ng pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa.
Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kailangang suriin ang mga umiiral na hakbang sa seguridad sa mga paaralan, kabilang ang mga patakaran sa inspeksyon at pagkapkap sa mga gamit ng mga mag-aaral.
Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi naman ni Remulla na hindi nila sinisisi ang mga guro sa insidente dahil maging sila ay hindi nagsagawa ng pagkapkap sa mga gamit ng mga estudyante.
Samantala, bagama’t itinuturing na “zones of peace” ang mga paaralan at bawal na pumasok ang mga pulis dito, sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na maaari pa ring makibahagi ang PNP sa ilang aktibidad gaya ng flag-raising ceremony, na makakatulong sa mas maagap na pag-iwas sa mga posibleng krimen.