Nagparada ang makukulay na mga sasakyan sa kalsada ng Pasay City ngayong hapon bilang selebrasyon ng Rainbow Festival 2026.
Ito ay para narin sa paggunita ng Pride Month para sa LGBTQIA+ plus community.
Sa isang panayam kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano sinabi nyang nais ng Pasay City na ipakita na ligtas, ginugunita at pinahahalagahan ang LGBTQIA+ community sa kanilang lungsod. Pinapakita rin nito ang pagrespeto at pantay-pantay na pagtrato sa lahat.
Bukod naman sa parada ibat ibang programa rin ang inihanda para sa rainbow festival. Magkakaroon din ng Ms Gay Pasay Tourism Grand Coronation at Rainbow Party sa Cuneta Astrodome 6:00 ng gabi. | ulat ni Louisa Erispe