Isa na lang aarangkada na! Dahil 499 na inidibidwal hindi sumusunod sa lokal na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan ang nahuli ng Southern Police District sa loob lang ng isang araw yan ay kahapon, June 23.
Batay sa report ng SPD karamihan sa kanila nagiinuman at naninigarilyo sa kalsada, mga minor de edad na di sumusunod sa curfew hours, mga gumagala ng di maayos ang kasuotan at hindi otorisadong pagkakaroke dis oras ng gabi.
Pinakamarami naman nahuli ay sa Makati City na umabot sa 217 sumunod sa Taguig na nasa 112 at sa Parañaque na 80.
Bagama’t marami naman ang hinuli karamihan sa kanila winarningan lang at pinauwi pero May 22 na pinagbayad ng penalty.
Ayon naman kay Southern Police District Director Police Brigadier General Glenn Oliver Cinco ang masigasig na pagkilos ng mga pulis ay upang tiyakin na disiplinado, ligtas at malayo sa krimen ang mga lungsod sa Southern Part ng Metro Manila. | ulat ni Louisa Erispe