Naglabas ng babala ang Bureau of Corrections (BuCor) laban sa isang pekeng job hiring advertisement na kumakalat ngayon sa Facebook.
Ayon sa BuCor, ang post mula sa Facebook page na “Nationwide Job Openings PH” ay nag-aalok umano ng trabaho sa BuCor na may suweldo mula ₱35,000 hanggang ₱74,000 kada buwan.
Ngunit pinag-iingat ang publiko sa ibinigay nitong application link dahil isa itong phishing website. Kapag pumasok sa nasabing link, maaari kang manakawan ng personal na impormasyon, impormasyon sa bangko, o maging biktima ng identity theft at online scam.
Paalala ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., huwag na huwag iki-click ang link, huwag magpapasa ng anumang dokumento, at huwag magbabayad sa mga hindi beripikadong website.