Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na malaki ang maitutulong ng paggamit ng tamang datos at estatistika upang mapalago ang iba’t ibang industriya at ekonomiya ng bansa.
Ito ang binigyang-diin ng BSP sa pagtatapos ng ika-37 National Statistics Month.
Ayon kay BSP Assistant Governor Rogelio Mercado Jr., ang napapanahon at kumpletong datos ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga tamang patakaran na magsusulong ng inklusibo at maunlad na ekonomiya—kabilang na ang sektor ng turismo.
Katuwang ng BSP ang Philippine Statistics Authority o (PSA) sa taunang pagdiriwang na ito upang isulong ang paggamit ng accurate at maaasahang impormasyon sa buong bansa. | ulat ni Melany Reyes