Nagbabala ang House Prosecution Panel sa kampo ni Vice President Sara Duterte laban sa umano’y paggamit ng napakaraming saksi at paulit-ulit na testimonya para patagalin ang impeachment trial.
Ayon kay House Prosecution Panel Adviser at Spokesperson Ace Barbers, hindi dapat gawing paligsahan o pag-uubos ng oras ng paglilitis.
Iginiit ni Barbers na kung magpatawag man ng maraming saksi ang defense team, kailangang patunayan ng mga ito na may kinalaman at makatutulong ang kanilang testimonya upang lumabas ang katotohanan sa impeachment court.
Binigyang-diin pa niya na ang pagdinig sa Article II ng impeachment complaint—kabilang ang mga usapin ukol sa idineklarang ari-arian,kita, at negosyo ng Bise Presidente.
Dahil dito, nanawagan si Barbers sa mga senator-judges na manindigan sa pagdinig upang maiwasan ang anumang pampulitikang ingay at matapos ang trial nang maayos at episyente. | ulat ni Melany Reyes