Mas hihigpitan pa ang seguridad sa mga sementeryo sa Metro Manila.
Itoy kasunod ng utos ni NCRPO Officer-in-Charge Brigadier General Christopher Abrahano sa mga district director na dalasan ang pagsasagawa ng “Oplan Galugad” sa loob at paligid ng mga libingan.
Kamakailan kasi nasita ang ilang caretaker na nag-iinuman sa labas mismo ng Manila North Cemeterynang dis-oras ng gabi.
Paalala ng NCRPO sa publiko: bawal uminom ng alak at iwasan ang mga gawaing makakaabala sa mga nagdarasal.
Giit ni Abrahano, ang sementeryo ay lugar ng respeto para sa mga yumao kaya dapat itong panatilihing tahimik at ligtas. Iwasan din ang mga gawain na magdudulot ng gulo o nakakagambala sa mga nagdarasal o dumadalaw sa libingan. | ulat ni Louisa Erispe