Posible ring maharap sa kasong tax fraud sina VP Sara Duterre at asawa na si Atty. Manases Carpio kasunod ng umano’y ₱1.41 bilyong diperensiya sa kanilang mga rekord sa pananalapi.
Ayon kay House Prosecution Spokesperson Zia Alonto-Adiong, lumampas sa 30 porsiyento ang umano’y hindi naideklarang kita ng mga kumpanyang iniuugnay sa mag-asawang Dutwrte-Carpio, batay sa pagsusuri ng forensic accounting expert na si Alexander Cabrera.
Kabilang sa mga kumpanyang sinuri ang GenCorp Industries Incorporated, Metro City Chow Foods Corporation at Cale88 Foods Corporation.
Batay sa pagsusuri ng prosecution, umabot sa 87 porsiyento ang karaniwang underdeclaration ng kita ng GenCorp, 69 porsiyento sa Metro City Chow at 51 porsiyento naman sa Cale88.
Ipinaliwanag ni Adiong na sa ilalim ng National Internal Revenue Code, ang hindi pagdedeklara ng benta, resibo o kita na lumampas sa 30 porsiyento ng halagang iniulat ay maaaring ituring na paunang ebidensiya ng mali o mapanlinlang na tax return.
Binigyang-diin niyang mahalagang maipaliwanag ang mga diperensiya dahil ang hindi pagbabayad ng tamang buwis ay maaaring makabawas sa pondong nakalaan para sa sana mga serbisyong publiko. | ulat ni Kathleen Forbes