Nagsagawa ng consultative meeting ang PNP-Civil Security Group matapos na mabahala sa mataas na bilang ng mga hindi rehistradong baril sa bansa.
Pinagunahan ang pulong ni PNP CSG Director P/ Brig. Gen. Aden Lagradante na dinaluhan ng mga advisory council, personnel, opisyal ng PNP CSG, SOSIA at FEO.
Layon nitong bumuo ng mga solusyon ukol sa mga hindi rehistradong baril.
Ayon kay Lagradante, ipinatawag ang mga stakeholder para makuha ang kanilang panukalang solusyon upang mabawasan ang unregistered firearms at makahikayat na makapag-renew ng gun owners.
Natalakay din sa naturang pulong kung paano mapalalakas ang online registration at mas mapapadali ang pagbabayad sa pamamagitan ng e-wallet.
Batay sa datos, nasa 2.2 milyon ang total registered firearms kung saan 49% dito ang valid registered habang 51% naman ang expired na mga baril hanggang nitong of May 31, 2026.