Magpapatupad ang Eastern Police District (EPD) ng komprehensibong seguridad upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng Faith-Based Rally na “White Ribbon March” sa June 28.
Ayon kay EPD Acting Director Police Brigadier General Melecio Buslig Jr., nagtalaga ang EPD ng mga pulis sa paligid ng EDSA Shrine upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga makikibahagi sa pagtitipon.
Bukod dito, mayroon ding Reactionary Standby Support Force mula sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan City Police Stations para sa agarang pagde-deploy kung kinakailangan.
Paiigtingin din ng EPD ang anti-criminality operations sa Metro East, partikular sa mga transport terminal, pangunahing lansangan, commercial establishments, at iba pang strategic areas bago, habang, at matapos ang aktibidad.
Tiniyak ng EPD ipatutupad ang maximum tolerance at igalang ang karapatang magpahayag habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Nabatid na mahigit 9,500 na mga pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa buong Metro Manila para sa White Ribbon March.