Nakikiisa ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa mga hakbang upang mapalakas ang proteksiyon ng mga kabataan laban sa mga panganib na dulot ng labis na paggamit ng social media at internet.
Sa panayam ng media kay CWC Executive Director at Undersecretary Angelo Tapales ngayong Biyernes, June 26, matapos ang paglulunsad ng kauna-unahang Child Rights Research Agenda sa bansa, sinabi nito na bagama’t malaki ang naitutulong ng internet bilang pinagkukunan ng impormasyon, hindi rin maikakaila ang mga banta sa cyberspace sa kaligtasan ng mga bata.
Kabilang nga diyan ang cyberbullying, online exploitation, at iba pang uri ng pang-aabuso online.
Gayundin ang masamang epekto sa mental health ng labis na pag-iinternet.
Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, na isinusulong niya ang pagpasa ng Social Media Safety for Children Act, na magbabawal sa pag- access sa social media ng mga batang 16 na taong gulang pababa.