Photo courtesy of Philippine Coast Guard
Nakiisa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa opening ceremony ng ika-30 edisyon ng Rim of the Pacific o RIMPAC 2026 na ginanap sa Hawaii, Estados Unidos.
Dinaluhan ng mahigit 31 bansang kalahok ang pagbubukas ng pinakamalaking multi-national maritime exercise na naglalayong palakasin ang kooperasyon, seguridad at katatagan sa Indo-Pacific region.
Pinangunahan ang delegasyon ng PCG nina Commander, Task Force 93 Rear Admiral Weniel Azcuna, Deputy Commander, Task Force 93 Commodore Dann August Cariño, at Commanding Officer ng BRP Gabriela Silang Captain Jomark Angue.
Ayon sa PCG, patuloy nitong pinalalakas ang pakikipagtulungan sa international maritime community bilang bahagi ng pagsusulong ng ligtas at matatag na Indo-Pacific region.