Matagumpay na inilunsad ang Child Rights Research Agenda (CRRA) sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children (CWC) ngayong araw, June 26, 2026.
Layunin nitong magsilbing gabay sa pagbuo ng mga polisiya, batas, at mga programa na magpapalakas sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at proteksyon ng mga kabataan—lalo na gitna ng mga kinakaharap na hamon ng ating lipunan ngayon.
Bilang bahagi ng programang isinagawa sa Miriam College, sa Quezon City, pinangunahan ni Usec. Angelo Tapales, Executive Director ng Council for the Welfare of Children, ang paglagda sa kasunduan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor, civic groups, at government agencies para sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng CRRA.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Usec.Tapales ang halaga ng masusuing pag-aaral o research bilang batayan sa pagbalangkas ng mga hakbang ng pamahalaan upang mapangalagaan ang bawat batang Pilipino. Kabilang na diyan ang proteksyon laban sa karahasan at sa negatibong epekto ng social media.