Binigyang-diin ng mga House trial Spokesperson na sina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at Atty. Benjamin S. Tolosa Jr. na ang pagsasama sa dating Davao City Court Sheriff na si Abe Andres sa listahan ng mga testigo ng prosekusyon ay may kinalaman sa pagpapatunay ng “behavioral pattern” ni Vice President Sara Duterte.
Maalalang si Andres ang court sheriff na batay sa mga ulat ay sinuntok ni noong Davao City Mayor Sara Duterte sa gitna ng isang demolisyon noong 2011.
Bagamat tumangging idetalye ang buong estratehiya ng prosekusyon, ipinaliwanag ni Tolosa, na pinahihintulutan ng mga patakaran ng korte ang paglalatag ng ebidensyang nagpapakita ng ugali ng isang indibidwal.
Ayon naman kay Alonto Adiong, tinitingnan ng prosekusyon ang kapwa salita at gawa ng Bise Presidente upang masuri ang naging asal nito sa publiko.
Aniya, ang mga naging banta ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay may koneksyon sa paguugali niya tuwing may hamon sa kaniyang otoridad. | ulat ni