Kasalukuyang isinasagawa ng DOST-PAGASA ang media seminar-workshop patungkol sa bagong serbisyo nito sa weather forecasting, na malaking tulong sa mas maagap at epektibong pagtugon sa mga hamon na dulot ng masamang panahon sa bansa, gaya ng bagyo at storm surge.
Ito ang multi-hazard impact based forecasting and early warning system. Gamit ang modernong teknolohiya, kaya nitong i-predict ang epekto ng bagyong paparating hanggang apat na araw. Malaki ang tulong ng sistemang ito sa mga otoridad lalo na sa mga LGU para makapaghanda sa mga sakuna. Kung kaya mahalaga ang magkaroong ng magandang ugnayan ang DOST-PAGASA at ang media bilang tagapaghatid ng balita at impormasyon sa publiko.
Kabilang sa mga kalahok sa dalawang araw na training sa Tagaytay City ang mga kawani ng Integrated State Media, na kinabibilangan ng Radyo Pilipinas, gayun din ng IBC, PTV, Philippine News Agency at Philippine Information Agency.