PNP-PIO
Narekober ng Philippine National Police ang mga armas, bala, pampasabog, at subersibong dokumento sa Sitio Buri, Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nadiskubre ang mga nakabaong imbakan ng armas sa isinagawang internal security operation matapos ang impormasyong ibinigay ng dating miyembro ng armadong grupo.
Kabilang sa mga nakumpiska ang improvised shotguns, mga bala, magasin ng baril, rifle grenades, blasting caps, detonating cord, at iba pang war materials.
Nasa kustodiya na ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company ang mga armas, habang dinala sa Provincial Explosive and Canine Unit ang mga pampasabog.
Ayon kay Nartatez, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga armadong grupo.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang intelligence-driven operations upang marekober pa ang iba pang nakatagong armas at pampasabog.
📸 PNP-PIO