Nananatiling sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Sabado, June 27.
Batay sa Power Situation Outlook ng National Grid Corporation of the Philippines, may 16,329 megawatts na available generating capacity ang Luzon, kumpara sa 11,586 megawatts na inaasahang peak demand. May operating margin itong 4,743 megawatts.
Sa Visayas, naitala ang 2,598 megawatts na generating capacity at 2,381 megawatts na peak demand, kaya may 217 megawatts na operating margin.
Sa Mindanao, umabot sa 3,418 megawatts ang generating capacity, habang 2,405 megawatts ang peak demand. May operating margin itong 1,013 megawatts.
Dahil dito, sinabi ng NGCP na sapat ang suplay ng kuryente sa tatlong pangunahing grid ng bansa at walang inaasahang kakapusan ngayong araw.