Kinumpirma ni Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. na nakapaglabas na sila ng pre-trial order para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang pre trial order ang pinal na outline ng mga napag usapan sa isinagawang 5-day pre trial conference kasama ang clerk of court, prosecution panel at defense team ni VP Sara.
Kabilang sa nakapaloob dito ang statement of facts, testigo, ebidensya at trial dats.
Ayon kay Bantug, naipadala na nila sa dalawang panig sa pamamagitan ng electronic mail ang pre trial order.
Bibigyan din aniya ng printed copies ang prosecution at defense.
Mayroon namang tatlong araw, o hanggang huwebes, ang magkabilang panig para maghain ng kani-kanilang komento sa inilabas ng pre-trial order.
Oras na matanggap ang komento ay saka maglalabas ang clerk of court ng pinal na bersyon ng pre trial order. | ulat ni Nimfa Asuncion