Photo courtesy of DPWH
Bukas na ang bagong Governor’s Drive Exit ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) na lalong magpapabilis sa biyahe sa pagitan ng Laguna at Cavite.
Sa bagong 7.8 kilometrong bahagi ng CALAX mula Aguinaldo Highway sa Silang hanggang Governor’s Drive sa General Trias, Cavite, inaasahang aabutin na lang sa 30 minuto ang biyahe mula Laguna patungong Cavite.
Tinatayang halos 50,000 motorista at komyuter mula Metro Manila, Laguna, at Cavite ang makikinabang araw-araw sa bagong bukas na bahagi ng expressway.
Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, malaking ginhawa ang CALAX para sa mga nagtatrabaho sa Taguig at Bonifacio Global City na nakatira sa Cavite.