Photo courtesy of Philippine Coast Guard
Nagsilbing co-host ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ReCAAP ISC Capacity Building Senior Officers’ Meeting 2026 na ginanap sa Maynila.
Dumalo sa limang araw na pulong ang mga delegado mula sa 14 na contracting parties, dalawang observer mula Malaysia at Indonesia, at mga kinatawan ng Philippine Shipping Industry, port authorities, at partner agencies.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant at ReCAAP ISC Governing Council Chairperson Admiral Ronnie Gil Gavan, mahalaga ang patuloy na kooperasyon ng mga bansa sa pagpapalakas ng maritime security sa rehiyon.
Tinalakay sa pulong ang mga operasyonal na puwang, pagbabahagi ng best practices, cybersecurity, pagpapalawak ng membership, at ReCAAP ISC 10-year Roadmap para sa 2027 hanggang 2036.
Muling pinatibay ng PCG ang papel nito bilang national focal point sa pagpapalakas ng law enforcement, intelligence coordination, coastal surveillance, at ugnayan sa shipping companies at port operators, alinsunod sa Bagong Pilipinas campaign ni President Ferdinand R. Marcos Jr.