Photo courtesy of Philippine National Police
Nakatutok ang Philippine National Police (PNP) sa sitwasyon sa EDSA White Plains avenue kasunod ng isinagawang pagtitipon ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit ang kaniyang atas sa mga tauhan nito sa ground na pairalin ang maximum tolerance sa pagtitipon.
Personal na tumatanggap ng real-time update ang PNP Chief mula sa mga field commander para tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa naturang okasyon.
Kanina, nagkaroon ng bahagyang tensyon sa pagitan ng mga rallyista at ng mga pulis habang inaalis ang mga bus na ibinarega sa EDSA Busway.
Subalit matapos ang pakiusapan, naialis din ang mga bus upang mabigyang daan ang mga na-stranded na motorista sa bahagi ng EDSA Ortigas patungong Cubao sa Quezon City.