Photo courtesy of DHSUD
Nagsagawa ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng mass conciliation sa central office bilang bahagi ng kampanya nitong mapabilis ang pagresolba sa mga reklamong may kinalaman sa pabahay.
Pinangunahan ni DHSUD Supervising Senior Undersecretary Sharon Faith Paquiz, ang pagtalakay sa 124 kasong inihain ng mga homebuyer at homeowner laban sa kani-kanilang developers sa ilalim ng DHSUD Regional Office IV-A.
Ayon kay Paquiz, ilang kaso ang agad na naayos matapos magkasundo ang magkabilang panig sa isinagawang conciliation.
Bahagi ang aktibidad ng Zero Backlog Program na ipinatutupad sa direktiba ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling upang mapabilis ang pagresolba sa mga nakabinbing kaso at mapalakas ang episyente at transparent na serbisyo publiko.
Dumalo rin sa aktibidad si Homeowners Associations and Community Development Bureau Director Ling Rigor kasama ang iba pang opisyal ng DHSUD.