Photo courtesy of OWWA
Nakabalik na sa Pilipinas ang 53 Overseas Filipino Workers na nakulong sa Kuwait dahil sa mga problema sa immigration.
Sakay ng Oman Air Flight WY843, dumating sa bansa ang mga OFW noong June 27, 2026.
Agaran naman silang sinalubong at binigyan ng tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng food assistance, financial assistance, at kung kinakailangan ay temporary accommodation habang inaayos ang kanilang biyahe pauwi ng kani-kanilang mga probinsya.
Sasailalim naman ang mga OFW sa reintegration program pag-uwi sa probinsya at mabibigyan sila ng livelihood program at iba pang suporta ng OWWA.
Tiniyak naman ng ahensya ang patuloy na pag-alalay sa mga Pilipino sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong o nais makauwi sa Pilipinas.