Handang ipatupad at sundin ng Employers Confederation of the Philippine (ECOP) ang ₱85 na taas-sweldo sa National Capital Region.
Sa isang panayam, sinabi ni ECOP Chairperson at President Sergio Ortiz Luis Jr. na bagamat nag-dissent ang ilang employer dahil may ilang micro businesses na mahihirapan sa halaga ng wage hike, handa pa rin nila itong sundin sa oras na ipatupad ito.
Nirerespeto rin aniya ng ECOP ang proseso, pag-aaral at desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at wage board.
Matatandaan na kamakailan inanunsyo ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang taas-sweldo at ipatutupad ito ng dalawang tranche.
Ang unang tranche na ₱60 ay sa July 19 at ang ikalawang tranche naman na ₱25 at sa susunod na taon pa ipatutupad, January 2027.