Kanselado ang ilang biyahe sa pantalan sa Mindoro, Palawan, at Marinduque/Quezon ngayong alas-dose ng tanghali, July 1, dahil sa Tropical Depression Henry.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), hindi ang ahensya ang nagkakansela ng biyahe, ngunit awtomatikong natitigil ang paglalayag kapag nagpatupad ng no-sail policy ang Philippine Coast Guard (PCG).
Sa Port Management Office Mindoro, kanselado ang ilang biyahe ng PTERIPPUS I, PTERIPPUS II, at City of Bacolod mula Puerto Galera patungong Batangas.
Sa Port Management Office Palawan, kanselado rin ang biyahe ng MV Blessed Sea Journey at MV Maria Isabel mula Puerto Princesa patungong Cuyo, gayundin ang biyahe ng MV City of Iloilo sa rutang Coron-El Nido at pabalik.
Samantala, sa Port Management Office Marinduque/Quezon, kanselado ang biyahe ng Starhorse Shipping Lines Incorporated mula Port of San Andres patungong San Pascual.
Pinayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang shipping lines at sa mga kinauukulang pantalan bago bumiyahe.