Photo courtesy of Iran's Ministry of Foreign Affairs on "X"
Tumanggi ang Iran na makipagpulong sa mga kinatawan ng Estados Unidos – bagay na lalong nagpalabo sa posibilidad ng panibagong kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Iranian Foreign Ministry spokesperson Esmaeil Baghaei, wala umanong nakatakdang direktang pagpupulong sa pagitan Tehran at sa mga matataas na opisyal ng Washington na dumating sa Doha, Qatar.
Aniya, sa ngayon ay tanging mga pag-uusap sa pamamagitan ng mga tagamapagitan ang isasagawa.
Iginiit naman ng Estados Unidos na bukas pa rin ito sa usapan kung handang makipag-ugnayan ang Iran.
Gayunman, sinabi ng Tehran na kinakailangan munang malinaw na maipatupad ang mga kasunduang tigil-putukan bago talakayin ang mas mahahalagang usapin.
Samantala, patuloy namang umaasa ang mga bansang namamagitan na maipagpapatuloy ang diplomasya upang maiwasan ang panibagong paglala ng tensyon sa rehiyon at mapanatili ang katatagan sa pandaigdigang ekonomiya