Umabot na sa ₱771 milyon ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda kahit may panibagong banta ng sama ng panahon.
Kabilang sa naipamahagi ang mahigit 676,000 family food packs, pati non-food items at ready-to-eat food.
Naipadala ang mga tulong sa Regions 9, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa mga apektadong pamilya.
Patuloy din ang distribusyon ng relief goods sa Sarangani, Balut Island, at General Santos City, habang may Emergency Cash Transfer .
Dagdag pa ni Dumlao, magpapatuloy ang operasyon hanggang sa tuluyang makabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol.