Itinutulak ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpasa ng Comprehensive School Safety Act o Senate Bill No. 2426 kasunod ng serye ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Kabilang sa pinakahuling insidente ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ng National Comprehensive School Safety Framework na pangungunahan ng Department of Education (DepEd) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Layunin nitong magtakda ng mga pamantayan para sa pag-iwas, pagtugon at pagbangon mula sa mga banta at insidente na may kaugnayan sa kaligtasan sa paaralan.
Inaatasan din ang bawat paaralan na gumawa at taunang mag-update ng School Safety Plan at School Safety Handbook na maglalaman ng mga patakaran, emergency procedures, at learner support services.
Ayon kay Gatchalian, hindi sapat ang reaksyon lamang matapos mangyari ang insidente at kailangang maging maagap sa pagtukoy at pagpigil sa mga banta sa mga paaralan. | ulat ni Nimfa Asuncion