Nanawagan si Senador Erwin Tulfo sa gobyerno na agad aksyunan ang kompensasyon para sa mga biktima ng M/V June Aster tragedy sa Coron, Palawan.
Ayon kay Tulfo, hindi dapat pabayaan ang mga pamilya ng mga nasawi at mga nawawala matapos masunog ang barko noong September 9.
Hinimok ng senador ang Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority (MARINA) na pabilisin ang imbestigasyon at papanagutin ang operator ng barko.
Kuwestiyon din ni Tulfo kung may hazardous o hindi awtorisadong kargamento sa barko at kung bakit naiwan ang ilang pasahero na sumubok tumakas sa gitna ng sunog.
Iginiit ng senador na dapat agad matulungan at mabigyan ng patas na kompensasyon ang mga biktima at kanilang pamilya.
Nangako rin si Senator Erwin na dadalhin niya sa Senado ang isyu para igiit ang pananagutan at mga reporma sa maritime safety. | ulat ni Nimfa Asuncion