Pinalalakas ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikipagbalikatan nito sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, upang mas mapalakas ang laban kontra illegal recruitment.
Pahayag ito ni Migrant Workers Usec. Darlene Pajarito nang tanungin kung paano pinalalakas ng gobyerno ang pre-departure screening, upang mapigilang makalabas ng bansa ang mga biktima ng illegal recruitment.
Ayon sa opisyal, maraming orientations na binibigay ang kanilang hanay, upang makatulong sa mga papalabas pa lamang o kahit sa mga nakarating na sakanilang destinasyon.
Kabilang aniya dito ang pre-employment orientation seminar.
“Iyong papaalis pa lang, nag-iinteres pa lang sila, ano ba ang dapat nilang malaman. Tapos kung sila ay—they already processed their papers at papaalis na sila, so mayroon din tayong pre-departure orientation seminar.” -Pajarito.
Mayroon rin aniya silang pre-migration orientation seminar, para naman sa kabuang proseso, maging kung ano ang dapat asahan ng mga OFW sa ibang bansa.
“Hindi lang sa departure, pero buong process talaga. Kung lalabas, kung aalis ka, ano iyong mangyayari, you should be able to be prepared about your family, yourself when you get in, how would you assimilate sa lugar na iyon.” -Pajarito.
Ayon sa opisyal, bukod pa dito ang seminar para sa post-arrival o iyong pagdating na sa bansa o destinasyon ng isang OFW.
Ilan lamang aniya ang mga ito, sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno, upang masigurong handa ang mga Pilipino sa pagta-trabaho sa ibang bansa.
“And then, pagdating sa country or sa destination ng work nila ay may post-arrival, so we call it the PAOS, Post-Arrival Orientation Seminar. Ito ay ibinibigay na ng Migrant Workers Office natin na nandoon sa labas.” -Pajarito. | ulat ni Racquel Bayan