Isa sa mga mag-aaral na biktima ng Banga School Incident, ligtas nang nakauwi
Ligtas nang nakauwi ang isa sa mga mag-aaral na biktima ng school incident sa Banga National High School.
Inihatid ng DSWD Field Office 12 ang estudyante sa kanyang tahanan matapos ma-discharge sa ospital nitong Linggo, September 20.
Ayon sa DSWD, nagpaabot din ito ng financial assistance at iba pang suporta para sa pagpapagaling ng bata.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga biktima at kanilang pamilya para matukoy ang iba pa nilang pangangailangan at maibigay ang kinakailangang psychosocial support at iba pang serbisyo.