Isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) Region IX – Zamboanga Consortium for Health Research and Development ang dalawang araw na pagsasanay hinggil sa responsable at etikal na paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pananaliksik sa lungsod ng Zamboanga.
Nagtipon sa naturang aktibidad ang mga mananaliksik at propesyonal mula sa iba’t ibang mga institusyon upang palakasin ang kanilang pang-unawa patungkol sa etikal at responsableng paggamit ng AI sa larangan ng pangkalusugang pananaliksik.
Kabilang sa mga kalahok ang Western Mindanao State University, Universidad de Zamboanga, Zamboanga City Medical Center, Dr. Jose Rizal Memorial Hospital, Ateneo de Zamboanga University, Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, at Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology.
Nagsilbing resource speaker sa aktibidad ang Associate Professor ng Philosophy at Vice President for Digital Transformation na si Peter Sy ng University of the Philippines.
Sa pamamagitan ng inisyatiba ay patuloy na itinataguyod ng DOST ang makabuluhang paggamit ng mga umuusbong na teknolohiya sa pananaliksik habang tinitiyak na ang mga mananaliksik ay nakatuon sa integridad, inobasyon, at pananagutan.
📷 DOST IX