Pangungunahan ng Department of Education, katuwang ang World Food Programme, ang 2nd Southeast Asia Regional School Meals Coalition Summit simula November 23 hanggang 25.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kooperasyon sa rehiyon, i-align ang mga prayoridad at i-update ang progreso ng mga bansa para mapabilis ang school meal programs.
Binigyang-diin naman ni Education Secretary Sonny Angara ang pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusulong ng school meals program para sa magandang kinabukasan ng mga bata.
Aniya, dapat pang palakasin ang pagtutulungan para mas maabot ng programa ang mga bata sa mga malalayong lugar.
