Photo courtesy of Armed Forces of the Philippines
Matagumpay na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng French Armed Forces (FAF) ang ika-3 Bilateral Maritime Cooperative Activity para patatagin ang interoperability at defense cooperation sa pagitan ng dalawang puwersa.
Ayon sa AFP, isinagawa ang naturang pagsasanay ng dalawang bansa sa karagatan ng Sulu mula Nobyembre 20 hanggang 22.
Kabilang sa mga lumahok ay ang Floréal-class frigate at Dolphin AS25 helicopter sa panig ng France habang ang BRP Diego Silang at BRP Sarangani ng Philippine Coast Guard naman sa panig ng Pilipinas.
Bukod dito, sumama rin ang air assets ng Pilipinas gaya ng AW109 helicopter ng Navy gayundin ang C-208B at S-70i Blackhawk helicopter ng Philippine Air Force.
Kabilang sa mga isinagawa sa pagsasanay ay ang communications exercises (COMMEX), personnel exchanges, cross-deck vertical replenishment (VERTREP), division tactics and officer-of-the-watch maneuvers (DIVTACS/OOW), photo exercise (PHOTOEX), at ang cross Visit, Board, Search, and Seizure (VBSS) exercise.