Sisimulan na ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Special Permit ng mga Public Utility Bus operators na bibiyahe sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa abiso ng LTFRB, tatagal ang aplikasyon hanggang December 4, 2026.
Magiging epektibo naman ang mga permit mula December 23 hanggang January 8, 2027.
Kabilang sa mga kailangang isumiteng dokumento ang OR/CR, valid Personal Passenger Accident Insurance at Board Resolution o Secretary’s Certificate para sa mga kumpanya.
Nilinaw ng LTFRB na hanggang 50% lamang ng authorized units ng bawat operator sa bawat ruta ang maaaring i-apply.
Hindi rin dapat lampas 14 na taon mula sa pagkakagawa ang mga unit na isasama sa aplikasyon.