Binigyang-parangal ng Social Security System (SSS) ang mga indibidwal at organisasyong may natatanging kontribusyon sa pagsusulong ng social security protection para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng 2026 Balikat ng Bayan Awards, bahagi ng pagdiriwang ng ika-69 anibersaryo ng SSS.
Ngayong taon, kabilang sa kinilala ang dalawang nangungunang employer Golden Arches Development Corporation bilang Top Employer for Large Accounts at Lachi’s Dessert Bakery Incorporated para naman sa Branch Accounts sa kanilang compliance sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Ayon kay SSS President at CEO Robert De Claro, mahalaga ang papel ng mga employer, partner financial institutions at stakeholders sa pagtiyak na regular na nakakapag-remit ng kontribusyon ang mga empleyado para mapakinabangan ng mga ito ang mga benepisyo ng SSS.