Hindi pipigilan ng pamahalaan ang mga Pilipinong nais magtrabaho abroad. Katunayan ayon sa Palasyo, suportado ng administrasyon ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga ito upang maging globally competitive ang workforce ng bansa.
Reaksyon ito ni Communications Undersecretary Claire Castro kasunod ng pahayag ng Philippine Institute for Development Studies na umano’y at risk ang labor supply ng bansa dahil sa mga kabataang mas pinipiling magtrabaho abroad.
Ayon kay Castro, kahit naman sa labas ng bansa magtrabaho ang mga ito, nakakatulong pa rin sila sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Kung job mismatch naman aniyya ang pinag-uusapan, patuloy ring tinutugunan ng gobyerno ang isyung ito.
“Ang tinutumbok…
…ekonomiya.”
Nakatutok na aniya ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagpapalakas at paglinang ng kaalaman, kakayahan, at talento sa mga kabataan para sa patuloy na pag-angat ng mga ito.