Naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa France na maghanda ang mga Pilipino sa naturang bansa sa nagpapatuloy na kilos-protesta.
Ayon sa embahada, nagpaalala ang mga otoridad sa France na maghanda ng 72-hours emergency kit upang maging handa sa panahon ng krisis.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipinong naninirahan sa France na laging hawakan o itago ang mga pasaporte, residence permit, at iba pang mahahalagang dokumento.
Kung maaari din magkaroon ng hawak na kaunting cash kung sakaling hindi magamit ang electronic payments.
Panatilihin ding bukas ang komunikasyon sa pamilya, subaybayan ang mga opisyal na alerto ng gobyerno, at kung sa magkaroon man ng emergency, agad na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas at ng mga awtoridad ng France.
Matatandaan na noong Oktubre nagsimula ang malakihang kilos-protesta sa France habang patuloy naman ang pagbabantay ng embahada sa kalagayan at kaligtasan ng mga Pilipino roon.