Palalakasin ng banking leaders sa Southeast Asia ang pagtutulungan sa artificial intelligence (AI) sa gitna ng mga hamon sa financial institutions, tulad sa cybersecurity, customer protection, at responsableng paggamit ng emerging technologies.
Pangungunahan ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ang 54th ASEAN Banking Council Meeting sa November 12 hanggang 14.
Doon pag-uusapan kung paano ganap na mapapakinabangan ang AI habang natitiyak na hindi nakokompormiso ang security, liability, at tiwala sa financial services.
Tiwala ang BAP na makatutulong ang regional cooperation para sa palitan ng expertise ng mga bangko, pagpapalakas ng risk management at pagtataguyod ng mga responsableng hakbang sa pag-adopt ng mga makabagong teknolohiya.
Ito ang ikatlong beses na magho-host ang Pilipinas sa ASEAN Banking Council Meeting kasunod ng mga nagdaang pulong sa Cebu noong September 2024 at November 2014.