Upang mas mapalakas pa ang kampanya sa paglaban ng kurapsyon sa atin bansa, nagkaroon ng kolaborasyon ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa pagbuo ng Philippine National Anti-Corruption Strategy para sa palakasin pa ang pagsugpo nito sa ating bansa.
Sa pangunguna ng Presidential United Nations Convention Againts Corruption (UNCAC), Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ), Commission on Audit (COA), at Civil Service Commission (CSC).
Kasama ang sector ng academe sa pangunguna ng UP National College og Public Administratuin and Governance (UP-NCPAG).
Layunin ng nasabing anti corruption strategy campaign na magkaroon ng whole-of-government approach sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya na nakatutok sa paglaban sa kurapsyon para sa isang framework na magbibigay ng karagdagang mga inputs mula sa iba’t ibang sektor upang mas magkaroon ng mas malakas na kampanya na maiwaksi ang kurapsyon sa bansa mula sa pondo at iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.