Kinukonsidera na ng National Housing Authority (NHA) ang posibilidad na mabigyan ng housing assistance ang pamilya ng tatlong estudyanteng nasawi sa naganap na school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Kasunod ito ng isinagawang funeral visit ng NHA Region VIII sa mga naulilang pamilya sa direktiba ni NHA General Manager Joeben Tai.
Layon ng pagbisita na ipaabot ang pakikiramay ng ahensya, alamin ang kalagayan ng mga pamilya, at magsagawa ng assessment kung pasok sila sa mga umiiral na housing assistance program ng NHA.
Ayon sa NHA, patuloy silang magbibigay ng kaukulang suporta at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedya alinsunod sa kanilang mga programa at polisiya.
📸 NHA


