Nagpalipas na ng magdamag ang ilang rallyista at mga pulis sa paligid ng People Power Monument sa EDSA para sa ikalawang araw ng pagtitipon ng Iglesia ni Cristo.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nasa tinatayang 4,000 ang crowd estimate sa lugar as of 5:00 AM ngayong araw.
Ngayong Miyerkules, July 1, magpapatuloy ang rally matapos aprubahan ang Permit to Rally ng grupo sa White Plains Avenue–Temple Drive, Quezon City hanggang 8:00 PM.
Tinatayang aabot naman sa 100,000 ang inaasahang dadalo sa aktibidad.
Kabilang naman sa kondisyon sa clearance ang walang total road closure na ipatutupad at kailangang mapanatili ang kaayusan, at pagsunod sa mga security at traffic measures ng QCPD, Quezon City TTMD, at iba pang ahensya.
Nagpaalala rin ang mga awtoridad na maaaring kanselahin ang permit sakaling hindi masunod ang mga kondisyon o kung kakailanganin para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.

