Tuloy ang pagtulong ng Philippine Coast Guard sa mga komunidad na naapektohan ng malakas na lindol.
Namahagi ng family food packs at kahon kahong bottled water ang Personnel of Coast Guard Station (CGS) General Santos sa Barangay Seloton and Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.
Aabot sa 201 earthquake-affected families in Barangay Seloton and Barangay Klubi ang target na mabigyan ng tulong.
Ang hakbang ng PCG kasunod ng pinaigting na Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement o (iCARE) program ng nasabing ahensya upang makapag hatid ng humanitarian assistance at mabilis na paghahatid ng serbisyo publiko sa mga komunidad na apektado ng kalamidad. | ulat ni DK Zarate